Ang Republika ng Uzbekistan ay isang bansa sa Gitnang Asya. Nakikihati ang hangganan nito sa Kazakhstan sa kanluran at hilaga, Kyrgyzstan at Tajikistan sa silangan, at Afghanistan at Turkmenistan sa timog.
Nagmula ang pangalang Uzbekistan sa mga nomadikong Uzbek na mula sa lahing Mongol. Minsan na itong naging bahagi ng Imperyong Persa ng Samanida at nang lumaon ng Temurido. Humiwalay bilang nagsasariling bansa ang Uzbekistan noong 1991 nang mabuwag ang USSR.
Ang klima ng Uzbekistan ay kontinental na nakakukuha ng kaunting pag-ulan. Ang tag-araw ay napakainit, habang napakalamig naman ng taglamig. Ang temperatura nito ay umaabot sa 40 grado C sa tag-araw at -23 grado C sa panahon ng taglamig.
Nakabatay ang ekonomiya ng Uzbekistan sa paggawa ng kalakal mula sa bulak, ginto, uranyo, potasyo at natural gas.
Uzbek, any member of a Central Asian people found chiefly in Uzbekistan, but also in other parts of Central Asia and in Afghanistan.
The Uzbeks speak either of two dialects of Uzbek, a Turkic language of the Altaic family of languages. More than 16 million Uzbeks live in Uzbekistan, 2,000,000 in Afghanistan, 1,380,000 in Tajikistan, 570,000 in Kyrgyzstan, and smaller numbers in Kazakhstan, Turkmenistan, and Sinkiang in China.

