MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
upás: lipás na ang natural na lakas, katulad ng upás na tabako o alak
úpas: nalagas ang dahon dahil sa hangin o dahil sa katandaan
úpas: tinanggalan ng dahon ang puno ng tubó
úpas: punongkahoy (Antiaris toxicaria) na nakukuhanan ng pagkit na ginagamit sa palaso bílang lason, karaniwang matatagpuan sa Java
úpas: punongkahoy na Javanese at pinaniniwalaang mamamatay ang sinumang lumapit dito
úpas: nakapipinsalang impluwensiya, gawain, at katulad
úpas: pagtatalop sa puso ng mais
mag-úpas, mang-úpas, umúpas
úpas: tawag din sa pinagtalupang balát ng mais



