Tungkol Sa Katamaran ng Mga Pilipino

Sanaysay ni Jose P. Rizal

Pinagmalabisan ang salitang katamaran, sa pagpapakahulugan dito na parang kauntran ng pag-ibig sa paggawa, kakulangan ng sipag, at iba pa. ang paglibak ay tumakip sa pagmamalabis. Sa karaniwang paksang ito ay nangyari yaong nangyari sa ilang gamot na lumulunas m maraming sakit at mga gamot na niyari ng mga matatabil, na m pagpupumulitna iukol m kanila ang mga bisang hindi inaangkin ay ipinalagay tuloy na walang kabuluhan. Noong Edad Media, at kahit na sa maraming bayang Katoliko ngayon, ay ibinubuhat m diyablo ang lahat ng bagay na hindi maunawaan ng bayang mapamahiin o ayaw ipagtapat ang kasarnaan ng mga tao; sa Pilipinas, ay ibinubuhat sa katamaran ang mga sariling kakulangan o kakulangan ng iba, ang mga kahangalan ng ilan at ang kasalanan ng iba. At katulad noong Edad Media na pinag-uusig ang sinumang magtangkang humanap ng paliwanag sa bagay-bagay maliban sa lakas na nagbubuhat sa impiyerno, sa Pilipinas ay talong masama ang nangyayari sa humahanap ng pinagmumulan ng kaguluhan nang labas sa mga kapaniwalaang tinatanggap.

Naging bunga ng pagmamalabis na ito ang malaking pagsusumakit ng ilang tao na yao’y ipahayag na isang dogma o aral na dapat sampalatayanan, at ang pagsisikap naman ng iba na iyon ay tuligsain bilang isang kakatwang pamahiin kung di man isang pandarayang dapat parusahan. Gayunman, sa pagmamalabis sa isang bagay ay hindi dapat hinnhain na wala ng bagay na iyon.

Inakala naming nararapat magkaroon ng isang bagay sa likod ng gayong karaniwang sigaw, na dahilang hindi maaaring magkasundo sa pagsisinungating ang gayong karaniwang tao, na kinabibilangan, gaya ng sinabi na namin, ng ilang napakapormal at walang pag-iimbot. Ang ilan, marahil, ay gagawa sa udyok ng masamang kalooban, sa kabiglaanan, sa kawalan ng panuntunan, sa kaiklian ng pagmamatuwid, sa kamangmangan tungkol sa nakaraan, at iba pa; ang iba’y uulit lamang marahil, sa narinig nila, nang hindi na susuriin o wawariin ito; ang ilan pa’y magsasalita dahil sa pesimismo.

To be continued…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *