TUMALILIS

root word: talílis (meaning: escape, evade)


The following passages are from a Tagalog translation of Noli Me Tangere:

Ang ketongin nama’y mabilis na tumalilis nang makita ang nangyari.

Isang buntong-hininga ang naging tugon ni Pari Salvi. Naging isang magandang pagkakataon ang lapit na ito ng kura upang tumalilis si Maria Clara. Ang dalawang naiwang nag-uusap ng ukol sa panahon at iba pang karaniwang bagay sa San Diego hanggang mapadako ang paksa sa nalalapit na pista.

Nakita ko ang masamang pakana niya… tinangka niyang tumalilis nang masimulan na niya ang maitim na balak kaya’t pinigilan ko siya. Ang sumunod na pangyayari ay hatol ng Diyos sa tao, Siya lamang ang may karapatan sa buhay. Kailanma’y hindi natin nararapat isiping mapapalitan natin ang Diyos.

Napagod agad sa gawaing ito ang matanda kung kaya nang makarinig ng kalansing ng pinggang nabasag ay matuling tumalilis na bubulung-bulong. “Sus, makikita ninyo sa akin!” Hindi na siya bumalik pa sa bulwagan. Ang mga lalaking panauhin, sa kabilang dako, ay maingay at masigla.

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

tumalílis: umilas, lumisan

tumalílis: umalis nang lihim

tumalílis: umalis bílang pag-iwas na mabigyan ng pananagutan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *