Sa Aking Magiging Asawa (Tula)

Jesmarie Shayne Maxilom

Sa aking magiging asawa

Sa aking magiging asawa
Nilikha kong tula
Sana’y iyong makita
Sa ngayon ako ay bata pa
Ngunit panaho’y singbilis ng isang kisapmata

Di ko hinihiling na ikaw ay maging perpekto
Ang kailangan ko lamang, ika’y magpakatotoo
Maiparamdam pagmamahal na tila baga’y ako ay nanalo sa lotto

Sa aking magiging asawa
Alam ko’y marami tayong haharapin na problema
Ngunit alam ko rin na kaya natin iyan, tayo pa ba?

Darating rin ang tamang panahon
Magkikita anumang pagkakataon
Aking nilalayon
Mahalin ka ano pa man ang sitwasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *