Jane Angelica Lagarto
Pagsintang tinatangi sa lumbay ng anino’y dumantay
Siglang nangibabaw sa pagdurusay tunay na pumantay
Kaligayahang pilit na binuhay sa kaalamang itoy namatay
Dumarating sa wagas na buhay mga sintang kumampi sa latay
Sugat ng nakaraan sa lumbay ay dumamay
Sana’y iyong paglingap ay aking maging akay
Sa paglimot sa daloy
Ng mga alaala’y maging alay
Sapagkat lumbay sa aki’y hindi masanay
Dampi ng init iyong pagtingin ay tuluyang nawalay
Minsan sa pagtataka paniniwala ko’y nabuhay
Kaya sa pagtalikod akoy umagapay at ang paglingon ako’y nag-alay
Tuwina alaala’y maging anino na lamang sa dalisay
At sa agos magpapatangay upang yaring puso’y maging matiwasay
Sa takot ng iyong pagkawalay nawa ay maging gabay
At ang paglimot sa mundo ng nakaraa’y mananatiling buhay
