TULA: Manggagawa

This Tagalog poem about the important role Filipino laborers perform in Philippine society was written by Jose Corazon de Jesus.

MANGGAGAWA

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

22 thoughts on “TULA: Manggagawa”

    1. Ito ay tumatalakay sa mga uring mangagawa na siyang dahilan upang tayo ay makakita ng mga gusaling maglalakihan.Gayumdin ng iba pang mga struktura na sumisimbulo sa isang bayangaunlad.
      Subalit sa kasamaang palad ang mga kamay na gawa nito ay hindi nagiging bahagi ng kaunlaran at dian halosapasok ang maglalakihang gusali ma kaniyang ginawa matapos ma ito ay tumindig.
      Kahirapan pa din ang kanya taglay sa buhay at di nakaranas na sila o siya ay parangalan.

    1. Sa ganitong parang ba’y ikaw magaganyan? Hinuha mo ba’y kulturang banyagang alitaptap? Pagkat ito’y hindi mo nalulugodan? at ika’y nagaganyan?

  1. Nagyabang si “Puhunan” – Capitalist Economy, ang mahirap ay lalong naghihirap. Ang mayaman ay lalong yumayaman. Sa bansang capitalista malayo ang agwat ng mahirap at mayaman.

    1. Mahalaga ang mga manggagawa dahil sa kanila nakasalalay ang mga gawain at produkto na bumubuhay sa lipunan. Kaya dapat lang na ilaban na mapabuti ang kundisyon nila, sapat na sahod, maayos na tirahan, may karapatan na magsabi ng mga hinaing, atbp.

    2. Nagyabang si “Puhunan” – Capitalist Economy, ang mahirap ay lalong naghihirap. Ang mayaman ay lalong yumayaman. Sa bansang capitalista malayo ang agwat ng mahirap at mayaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *