TULA : Lihim ng mga Titig

Lihim ng mga Titig (Secret of Gazes) is a Tagalog poem from the early 20th century. Ito ay maikling tula. This is a short poem.

¡ Lihim ng mga Titig !

Ibig kong hulaan sa silong ng̃ Lang̃it
ang lihim na saklaw niyang mg̃a titig,
isang suliraning nagpapahiwatig,
ng̃ maraming bagay, ng̃ luha’t pag-ibig.

Ako’y manghuhula sa bagay na iyan,
pagka’t nababasa, sa hugis, sa galaw
ng̃ mga titig mong halik ng̃ kundiman
ang ibig sabihin at pita ng̃ buhay.

Ikaw’y nagtatapon nang minsa’y pagsuyo,
minsa’y pang-aaba’t minsa’y panibugho,
minsa’y paanyaya sa tibok ng̃ puso
nang upang sumamba’t sa iyo’y sumamo.

Ang mga titig mo’y may saklaw na lihim,
at maraming bagay ang ibig sabihin,
ng̃uni’t sa palad ko’y isang suliraning
nagkakahulugang ako’y ginigiliw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *