Tulang isinulat ni Lorie Jen Rojo
Kamatayan ng Pag-ibig
Ang bawat hakbang, kilos at desisyon,
nasusulat sa itinakdang komposisyon…
Bawat nota, bawat timbre o hagis ng himig
kalakip ay kamatayan ng pag-ibig.
nasusulat sa itinakdang komposisyon…
Bawat nota, bawat timbre o hagis ng himig
kalakip ay kamatayan ng pag-ibig.
Nagdurusa sa usal ng kapalaran.
Bawat pag-ibig, sadyang may katapusan.
Sakit, lamig at pag-iisa,
sa hinaharap ng tulad mong umaasa.
Sintang nawala nang bigla,
dulot ay pighati at luha.
Harapin ang katotohanan:
ang pag-ibig ay may kamatayan,
magpakailan man.
