Hatid at Habilin
Sulong na, kasama!
Baka ka abutan
Ng sikat ng buwan,
Mag-ingat sa daan.
“Ang mga gamit mo,
Baka malimutan.
Ang armas, ang mga bala,
Lahat ba’y nariyan?
“Heto ang sumbrero,
At isuot mo na;
Alam kong malamig
Ang simoy ng parang.”
Kasamang aalis
Ang nagbilin naman:
“O, ang ating bunso, ~
Huwag pababayaan!”
— R. R.
1980

