Ano ang Tugmang Panudyo?
Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay may sukat at tugma. Ang layunin nito ay mambuksa o manudyo.
Makikita natin sa mga tugmang panudyo na ang ating mga ninuno ay may makulay na kamusmusan.
Mga Halimbawa ng Tugmang Panudyo
Bata Batuta!
Isang perang muta!
May dumi sa ulo,
Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis
Ikakasal sa Lunes!
