ti·lan·dóy
tilandóy
KAHULUGAN SA TAGALOG
tilandóy: bulwak ng tubig pataas
Ang tilandoy ng tubig ay nangyayari kung ang bulwak ay pataas at maliit na nagmumula sa isang makipot na butas.
Tilamsik ang tawag sa tubig na tumatalsik at malayò ang abót, na kung mainit o nakamamantsa ay pilansik.
Ang tibalsik ay tilamsik na malalaking paták.
