ti·gíb
tigíb
overflowing
ti·gíb
loaded
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
tigíb: punông-punô
tigíb: puno, apaw, lipos, puspos
tigíb: labis na sakay o kargada
tigíb: tigmak
natigib: napuno, umapaw
matitigib: mapupuno
Kasalukuyan kong binabawasan ng dahon ang tanim kong petsay at mustasa. Nasisiyahang tinapunan ko muna ng tingin ang aking mga halaman bago nagmamadaling pumasok sa bahay. Tigib ng pag-aalala ang boses ng pangatlo nang iabot niya sa akin ang telepono. “Nanlalambot daw si Lola.” Ang ina ko’y namumuhay nang mag-isa. Ayaw pumisan sa akin na tanging anak niyang nasa Pilipinas. Ayaw rin niya ng katulong. Hinahatiran ko siya ng pagkain araw-araw.

