Mga Halimbawa ng Tambalang Salita
BATÓNG-ÁPOG
batóng-ápog: batóng banlik na binubuo ng calcium carbonate na nabubuo sa pamamagitan ng mga kalansay ng mga maliliit na organismo sa dagat at korales
BATÓNG-BÁKAL
batóng-bákal: uri ng batóng may subó o nasusubuhan
BATÓNG-BUHÁY
batóng-buháy: maputî at matigas na batóng kahawig ng marmol at sinasabing lumalaki
BATÓNG-DALÍG
batóng-dalíg: bató na malapad at manipis
BATÓNG-DAPÍ
batóng-dapí: bató na maputî at matigas
BATÓNG-HASAÁN
batóng-hasaán: bató na pinaghahasaan ng mga kasangkapang may talim, gaya ng kutsilyo o kampit
BATÓNG-KAWÁYAN
batóng-kawáyan: buláso
BATÓNG-PÁNGHÍLOD
batóng-pánghílod: bató na ginagamit na pangkuskos sa katawan kung naliligo upang maalis ang libag
BATÓNG-PINGKÍAN
batóng-pingkían: bató na pinagkikiskis at ginagamit sa pagpapaapoy
BATÓNG-SILYÁR
batóng-silyár: silyár (tipak ng batóng ginagamit sa paggawâ ng pader)
BATÓNG-SINANTÁNAN
batóng-sinantánan: metal na bató na ginagamit sa timbangan
BATÓNG-SORLÁN
batóng-sorlán: batóng pulunan ng sinulid
BATÓNG-ÚLING
batóng-úling: maitim na batóng nahuhukay sa lupa at ginagawâng panggatong
BATÓNG-URIÁN
batóng-urián: bató na pinagkikiskisan ng ginto upang matiyak ang tunay na uri nitó