takták: tapping one end of a hollow tube to dislodge something that is stuck near the other end
Hinulugang Taktak is a waterfall in the Philippines found in the province of Rizal on Luzon island. The waterfall area has been designated as a National Park by the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and is one of most popular tourist spots in Antipolo, the capital of Rizal province.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
takták: pag-ugâ ng isang sisidlan upang lumabas ang lamán sa kabilâng bunganga, sa pamamagitan ng pagbayo ng bukás na bunganga nitó
takták: bakal na ikinakabit sa kuwerdas ng gitara
takták: pakikipagkasundo sa isang tao hinggil sa araw ng paglalakbay
takták: pandukal na karaniwang may puluhang kawayan
Ang Hinulugang Taktak ay isang talon sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal sa pulo ng Luzon. Binansagang isang Pambansang Liwasan ang napapalibutang lugar ng talon sa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR). Isa ang talon sa dalawang pinakapopular na lugar na panturismo sa Lungsod ng Antipolo, ang kabisera ng Rizal.


