TULA: Takipsilim

Takipsilim
by Black Sheep

Sa iyong paglisa’y puso’y tumangis
Dahil ‘yong mukha’y laging ninanais
Na masilip sa tuwing damdami’y malungkot
At pag-isip ay puno ng galit at poot

Di makintal sa isip na ika’y lumisan na
Ang ‘yong alaala di mabura, sinta
Mga ngiti mong nagsisilbing kiliti
Ngayon lahat nag ito’y napalitan ng hikbi

Sa tuwing sasapit ang gabi ito’y sadyang kay dilim
Pagsapit ng araw walang hanggang kulimlim
Wala na ang liwanag sa buhay ko, hirang
Pangarap naglaho ikubli na lamang

Ako’y naninimdim na lahat bibitbitin
Ang payo mo, Ina, aking kikimkimin
Takipsilim ang iyong pagkawala sa aking buhay
Ngunit ang iyong alaala’y bukang-liwayway

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *