TULA: Ang Mga Mata Mo

mukha

In this short Tagalog love poem, the poet is addressing a woman and rhapsodizing about her stunningly beautiful eyes.

ANG MGA MATA MO

Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa’y
Ipinanghiram ka ng mata sa tala,
Dalawang bituing sa hinhi’y sagana
Ang naging mata mong mayaman sa awa.

Sa mga mata mo’y aking nasisilip
Ang bughaw na pilas ng nunung̃ong lang̃it,
Mababaw na dagat ang nasa sa gilid
Na ang naglalayag ay pusong malinis.

Di ayos matalim, ni hugis matapang,
Ni hindi maliit, ni di kalakihan,
Ang  mga mata mo’y maamo’t mapungay.

Kahinhina’t amo ang nanganganinag,
Kalinisa’t puri ang namamanaag,
Umaga ang laging handog mo sa palad.


ang mga mata mo
eyes of yours

dalawang bituin
two stars

mababaw na dagat
shallow ocean

pusong malinis
clean heart

One thought on “TULA: Ang Mga Mata Mo”

  1. Ang Sarangola ko at ako
    Ako Ay Matatag at sya ren ay matatag
    Sya ay babagsak ako ay Hindi Babagsak
    Sya ay may Kakayanan
    Ako ay may talis ng isip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *