SHERPA

Ang mga Sherpa ay isang pangkat etnikong nagmula sa pinakamabundok na rehiyon ng Nepal, na nasa taas ng mga Himalaya.

Ang ibig sabihin ng “Sherpa” sa wikang Tibetano ay “silanganing mga tao“.

Naglakbay ang mga Sherpa magmula sa silanganing Tibet patungo sa Nepal sa loob ng huling 300 hanggang 400 mga taon. Karaniwan silang tumutulong upang maging gabay ng mga dayuhang tao sa paglalakbay sa mga bulubundukin.

Isa sa kilalang Sherpa si Tenzing Norgay, na tumulong kay Edmund Hillary na akyatin ang tuktok ng Bundok ng Everest.


The Sherpa are an ethnic group from the mountainous region of Nepal. They are known for being mountain guides. One of the most famous Sherpa is Tenzing Norgay, who helped Edmund Hillary climb to the top of Mount Everest.

Th name Sherpa means “people from the east.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *