SARS

Ang SARS ay pinaikling pangalan ng Severe Acute Respiratory Syndrome (Malubhang Biglaang Sakit sa Paghinga).

Ito ay isang malubhang sakit sa baga na dulot ng bayrus.

Kailan Unang Lumitaw ang SARS?

Noong taong 2002, naoberserbahan ang SARS sa Tsina, sa gawing Guangdong.

Tapos noong huling bahagi ng 2019, may isa na namang bayrus sa Tsina, sa lungsod ng Wuhan, na tinawag nilang SARS-CoV-2.

Bale may dalawang klaseng SARS — ‘yung orihinal na SARS noong 2002-2003 na nagmula umano sa Guangdong, tapos itong kamakailan lang na SARS-Cov2 na nadiskubri sa Wuhan.

Mga Sintomas ng SARS

  • Mataas na lagnat
  • Ubo
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng katawan
  • Pagkapagod

Sa malubhang kaso, maaari itong magdulot ng pneumonia (pulmunya) at pagkamatay.

🌍 Ano ang Nangyari nang Kumalat ang SARS?

  • Pag-quarantine o kuwarentenas ng mga pasyente
  • Mahigpit na pag-iingat sa ospital
  • Pagsubaybay sa mga nahawahan

🦠 Kaugnayan ng SARS sa COVID-19

Ang bayrus na sanhi ng COVID-19 ay tinatawag na SARS-CoV-2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *