SADLAK

slump

sadlák
falling into disgrace


MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

sadlak, masadlak: mapunta, matungo, mahulog sa pagkariwara o dusa

masadlak: maparool, masawi, mabulid; mapahamak

nasadlak: napahamak

nasasadlak: napapahamak

nagsasadlak, kasadlakan, kinasadlakan, pagkakasadlak, isadlak


Iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan.Andres Bonifacio


Sa akin po ay ano
na isinadlak man nga sa dusa,
kung may daan pang magkita
pag-ibig ko’y kanila pa.

Paghihinagpis ni Don Juan


Ang mga kondisyon na ipinapataw ng World Bank ay lalo lamang magsasadlak sa mahihirap nang bansa sa mas matinding pananamantala.


Ang IMORTAL ay isang antolohiya ng maiikling kuwento ni Juan Bautista na sumasalamin sa mga masasalimuot na sitwasyon na maaaring kinasadlakan na ng ilan sa atin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *