Sa habag ng puso, iibig ka ba?
Oh mithi! mithi nitong aking pagtaghoy
Mula sa rosas tungo sa aking simoy,
Ay, wala akong natuklasang ginto
‘Pagkat sa’yo lamang nakatago
Dalhin, dalhin mo ang kandungan sa awa,
Nalining mo na ba na ako’y nagpapaawa?
Sa sumasayaw na dahon ang s’yang nakita,
Saan pang pagsil-in kung hindi ika’ng musa
Ika’ng siyang maanlindog na bulaklak
Tubig at Hangin may humahalakhak,
Mamasdan lang iyong karilagan
Na dinidiligan sa matitimyas na katubigan
Ngunit lahat ng bagay may kabiguan
Kinulong sa hirap, ang panahong karingalan;
Sa dulo ng naganyak na suklam sa aba
Sa habag ng puso, iibig ka ba?

