Sa Dako ng Aking Pag-ibig

Tula ni Jezrell Canoy

Sa Dako ng Aking Pag-ibig

Matatanaw mo na nakalungayngay sa hirap
Sa yaring lumulang pag-ibig at natataghap,
Nitong linsil na humibik sa ‘king kapalaran
Na walang gitgit sa igtad ng ating kandungan

Oh irog, halika’t alamin ang aking taghoy,
Pumulas at kinalong sa tanikalang kahoy
Abang lungkot! tulad ako sa ulang naghugos,
Kawangis ng tubig na patuloy sa pag-agos

Ang paglingab sa pag-ibig ikaw ay dahilan
Kahit pa man salagimsim ang mararamdaman,
Idampulay mo sana ang iyong pagtingal-in
Sino man sa mundo, ika’y pakadakilain!

Ngunit hinamak ako sa pakikipaglaban
“Aray ang sakit sa sugat” ang aking nakamtan;
Wala na oh wala na nga ang pagkagupiling
Ang pagliban sa tapang at pumawi ang tinding

‘Pagkat dito mo na lang, makitang aking tanglaw,
May palatandaan sa yumao nating araw,
At kung ika’y lalakad sa hiyas ng umibig
Matatanaw mo sa dako ng aking pag-ibig

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *