The Filipino word for “register” is the Spanish-derived rehístro.
Noun: rehistro, listahan, talaan
Verb: irehistro, iparehistro, ilista, ipalista, itala, ipatala
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
rehístro: lahok sa talaan o listahan
rehístro: pangkat o bílang na nakatala
rehístro: aklat na pinagtatalaan ng mga bagay upang mapagsanggunian
rehístro: kompás o saklaw ng tinig o ng instrumento; o isang tiyak na serye ng tono, lalo ng tinig ng tao, na nalilikha sa parehong paraan at may parehong kalidad
Sa larangan ng linggwistika, ang rejister, rédyistér o rehistro ay istilo ng pananalita.
Language register is the level of formality with which you speak. Different situations and people call for different registers.
Ang rejister ng isang wika ay ang lebel ng pormalidad na ginagamit.
Bilang halimbawa, ang pakikipag-usap nating mga Pilipino sa mga nakatatanda ay iba sa pakikipag-usap natin sa mga bata. Kapag matanda ang kinakausap, gumamit tayo ng “po” at nagiging “ninyo” at “kayo” ang karaniwa’y “mo” at “ka.”
Kunin mo ito.
Kunin po ninyo ito.
“Get this.”
Nakita mo ba sila?
Nakita po ba ninyo sila?
“Did you see them?”
Ibang rejister ng wika ang ginagamit natin sa matanda at sa bata.
