Himno ng Lungsod Quezon
LYRICS
Lungsod Quezon, aming mahal,
Araw Mo ay saganang tunay,
Sa amin ang alab mo’y buhay,
Sa ‘Yo buong sigla kami’y nagpupugay.
Dito’y ilaw ang diwa Mo,
Hiyas Ka ng Bayang sinisinta,
Dito’y nupli mithiing banal,
Sa ‘Yo ang pag-ibig namin at dangal.
Lungsod Quezon, aming mahal,
Pugad ka ng laya’t kagitingan,
Dito’y nupling mithiing banal
Sa ‘Yo ang pag-ibig namin at dangal
Sa ‘Yo ang pag-ibig namin at buhay.