pusag: to move one’s body vigorously the way a fish does when caught in a net
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
puság:pagtalon o pagpitlag ng isda hábang nása tubig
pumusag: pumalag, pumitlag gaya ng isdang nasa tubig
pumupusag: pumapalag, pumipitlag gaya ng isdang nasa tubig
Isda akong gagasapsap,
Gagataliptip kalapad,
Kaya nakikipagpusag,
Ang kalaguyo’y apahap.



