PUKSA

Annihilation, extermination, massacre.

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

puksâ: ubos, lipol, said

puksâ: wala, giba, wasak

puksâ: patay

mapuksa: masira, mapatay

pumupuksa: sumisira, pumapatay

pagpuksâ: lubos at maramihang pagpatáy o pagsirà, gaya sa epekto ng peste o ng pagpa-pasabog sa bomba atomika

ipampuksâ, puksaín, pumuksâ, pamumuksa

Ang bawat tao na nasa kanyang hustong pag-iisip ay dapat lumayo mula sa mga namumuksa.

Ang mga hayop at sakit na pumupuksa o pumapatay sa cauliflower ay nakakatulad din ng sakit na pumupuksa sa repolyo. Masusugpo lamang ang pananalot kung bobombahin ng gamot at aalisin ang mga punong may sakit at sisilaban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *