PROWA

Ano ang kahulugan ng salitang prówa?

Nanggaling ito sa salitang Kastila na proa, na nangangahulugang nangungunang bahagi ng barko na makikita sa itaas ng tubig.

In English: prow, the portion of a ship’s bow above water

Ang sinasabing “bow” dito ay ang nasa harap ng barko. Ito ang bahagi ng barko na nangunguna sa pagsulong.

Kung baga sa mukha ng tao, ito ang ilong — nasa harapan, nakausli, nasa itaas ng bibig at hindi sa ibaba.

Minsan, ang matulis o nakausling bahagi sa harapan ng mga istruktura tulad ng di-pangkaraniwang gusali o ng mga behikulo tulad ng kotse ay tinatawag ding prowa.

Sometimes, the pointed or projecting part in front of structures such as unusually shaped buildings or vehicles such as cars are also referred to as the prow.

mga prowang baril = prow guns
= guns on the prow of a ship
= mga baril sa “harapan” ng barko

KAHULUGAN SA TAGALOG

prówa: unaháng bahagi ng bapor o iba pang sasakyang pandagat

“pruwa”

Makikita ang salitang ito sa mga naisulat na kasaysayan ng digmaan, lalo na noong panahong nag-aaway ang mga bansang Hapon at Estados Unidos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *