PROPAGANDA

This Filipino word is from Spanish / English.

Kilusang Propadanda
Propaganda Movement

própagándista
propagandist

A propagandist is a person who promotes or publicizes a particular organization or cause.

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

própagánda: lawas ng mga doktrina, idea, at aktitud na sadyang pinalalaganap upang makatulong o makasamâ sa isang tao, pangkat, estado, at iba pa

própagánda: ang sistematikong pagpapalaganap ng mga ito

própagándista: tao na nagpapalaganap ng propaganda

Ang propaganda ay isang uri ng patalastas, kabatiran, o komunikasyon na may layuning maimpluwensiyahan ang asal ng isang pamayanan papunta sa isang layunin o posisyon. Ginagamitan ito ng masistema o maparaang pagkakalat o pagpapalaganap ng mga paniniwala o kaya ng doktrina.

Halimbawa nito ang mga babasahin nagtataguyod o nagtatangkilik ng isang paniniwala. Kabaligtaran ito ng impomasyong walang kinikilingan dahil, sa pinakapayak na diwa, ang propaganda ay naghaharap o nagpapakita ng kabatirang nakakaimpluwensiya sa madla.

Kadalasang nagpaparating ang propaganda ng mga bagay na pinili, na maaaring isang pagsisinungaling sa pamamagitan ng pagbabawas o pagtatanggal ng ibang mga kaalaman, upang maudyok o mahimok ang isang partikular na sintesis o langkap, o gumagamit ng mga mensaheng may “laman” upang makagawa ng pangdamdamin sa halip na rasyonal o makatwiran tugon sa kabatiran inihaharap.

Ang nais na resulta ay ang baguhin ang asal patungo sa isang paksa mula sa puntirya o pinupukol na mga tao upang maisulong ang isang ahenda o layuning pampolitika. Maaaring gamitin ang propaganda bilang isang uri ng pagtutunggaling pampolitika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *