PLATON

This rendition of the name is from the Spanish language.

Pla·tón

Platón
Plato

Ang bigkas ng “Plato” sa Ingles ay Pleyto.

KAHULUGAN SA TAGALOG

Si Platon ay isang bantog na pilosopo na nabuhay sa panahon ng klasikong Gresya. Estudyante siya ng dakila ring pilosopo na si Socrates at guro ni Aristotle. Silang tatlo ang itinuturing na pinakadakilang mga pilosopong Griyego na naglatag ng pundasyon ng pamimilosopiyang Kanluranin.

Itinatag ni Platon ang “Academy,” ang kauna-unahang pormal na institusyon ng mas mataas na pagkatuto sa kanluran. Sumulat din siya ng mahigit 30 diyalogo, kilalang Socratic dialogues dahil sa paggamit niya kay Socrates bilang pangunahing tauhan sa mga akda, na naglalaman ng kaniyang mga kaisipan tungkol sa pilosopiya, lohika, etika, retorika, relihiyon, at matematika. Ang “Parabula ng Kuweba” ay isa sa mga laman ng Socratic dialogues na “The Republic” kung saan, tinatalakay ni Platon, sa pamamagitan ng tauhan niyang sina Glaucon (kapatid niya) at Socrates, ang bisa ng edukasyon at ang kawalan nito sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *