This word is from the Spanish feria.
peryahan
funfair
isang peryahang malapit sa isang paaralan
a fair near a school
A pérya is a location or event to which people go to enjoy a variety of fairground activities, such as amusement rides, carnival games, and shows.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
pérya: tanghalan, pagtatanghal, o pagbebenta ng mga bagay o kalakal upang makalikom ng salapi, kadalasang para sa kawang-gawâ
pérya: karnabál
Taong ahas, babaeng gagamba, batang ipinaglihi sa lumba-lumba. Ilan lamang ito sa mga atraksyon na ating makikita sa mga karnabal. Ngunit kadalasan, mas nakikita sila sa mga peryahan. Peryahan ang itinawag ng mga tao dito dahil, siguro, maraming mga sugalan na dala ng mga Espanyol ang makikita rito. Ang mga sugalang ito ay mas nakilala sa tawag na perya.
Ang peryahan ay naging tradisyon na ng mga Pinoy. Tuwing magdiriwang ng pista ang isang lugar, isa ito sa mga nagiging atraksyon. Ito ang kadalasang nakakahikayat ng maraming tao. Hindi lamang dahil ito ay itinatatag sa sentro ng mga bayan, kundi dahil narito na rin ang mga kadalasang nagbibigay-aliw sa mga manonood. Mga sugalan, mga laruan, mga sakayan at mga kakaibang panoorin.
Sa mga nabanggit, ang pagbibigyang-pansin ay ‘yung tungkol sa kakaibang panoorin. Nariyan ang mga taong ahas at kung anu-ano pa. Para sa karamihan, ito ay nakatutuwa. May iba namang nahahabag. Ngunit may ibang
nagngingitngit.
Tunay na nakatutuwa ang mga ginagawa ng mga taong perya. Nakapagpapasaya sila ng mga nalulumbay. Nakapagbabawas ng mga problema. Nakapagpapabago ng pananaw sa buhay. Ngunit, hindi lamang itoan ating dapat pinanonood. Hindi lamang puro kasiyahan. Dahil kahit ano pa man, tao pa rin sila.
Ang mga nahahabag naman ay ang mga taong nakikita lamang ang kapansanang pisikal ng mga taong perya. Nakahahabag isipin na mayroong mga nilalang na hindi makalakad nang tuwid, walang mga paa at kamay, mga taong hindi na makakuha ng ibang hanapbuhay, maliban sa perya, sapagkat hindi nakapag-aral. Tunay nga na nakahahabag ang ganitong mga tao. Ngunit, hindi lamang awa ang kanilang nais anihin.
periyahan