Priority Development Assistance Fund, a lump-sum discretionary fund granted to each member of Congress for spending on priority development projects of the Philippine government, mostly on the national level.
The Priority Development Assistance Fund scam, also called the PDAF scam or the pork barrel scam, is a political scandal involving the alleged misuse by several members of the Congress of the Philippines of their Priority Development Assistance Fund.
Priority Development Assistance Fund
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
Ang panloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unlad ay ang kontrobersiya na unang nabunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang PDAF na mas kilala bilang “pork barrel funds” na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) para sa mga hindi umiiral na proyekto.
Ang pork barrel ay pondong mula sa pambansang badyet at ibinibigay sa mga mambabatas upang gamitin sa pagpapaunlad sa kani-kanilang lalawigan, bayan, at distrito.
Tinatawag ding pork barrel ang salaping kinukurakot ng mga pulitiko mula sa kabang-yaman ng bansa.
