This Christmas song was composed by Floro San Juan, the leader and lead guitarist of the Lovers Trio.
Pasko Ng Madla
May gayak ang lahat ng tahanan
Masdan n’yo at nagpapaligsahan
May ilaw at parol bawat bintana
Na sadyang may iba at ibang kulay
Kay ganda ang ayos ng simbahan
Ang lahat ay inaanyayahan
Nang dahil sa paggalang
sa sanggol na siyang maghahari
ng panghabang panahon
Ang Pasko’y araw ng bigayan
Ang lahat ay nagmamahalan
Tuwing Pasko ay lagi nang ganyan
May sigla, may galak ang bayan.



