PANINGIT

root word: singit (meaning: insert)

pa·ní·ngit
filler

Ang mga pampalawak ng pangungusap ay (1) paningit, (2) panuring (pang-uri at pang-abay), (3) pamuno, at mga kaganapan.

Gumagamit ng mga paningit, kataga o ingklitik sa pangungusap upang lubusang malinawan ang mga pangyayari. Ito ay karaniwang makikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap.

Halimbawa:

Bumagsak din ang tore ng pagoda.

Narito ang iba pang ingklitik o pangingit:

daw/raw  sana  man  kaya  nga
din/rin  muna  tuloy  ba  na
yata  pa  pala  naman  lamang

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

paníngit / pansingit: anumang ginamit o nakalaang gamitin sa pagpunô ng maliit na bútas o espasyo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *