MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
pángal: patalim na lubhang mapurol at bungi-bungi ang talim
pángal: tao na lubhang hindi makaintindi
KAHULUGAN SA TAGALOG
pangál: dala o tangay sa pamamagitan ng mga ngipin
Sa Hiligaynon, ang ibig sabihin ng pangál ay pangit.
KAHULUGAN SA TAGALOG
páng-al: bagay na inilalagay sa pagitan ng ngalangala at dilà upang manatiling nakabuka ang bibig
KAHULUGAN SA TAGALOG
pang-ál: pagkagat sa malakíng piraso ng pagkain, gaya ng crispy pata

