root word: ukol
pang-ukol
(pnu)
preposition
Ano ang Pang-ukol?
Ito ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Mga Halimbawa ng Pang-ukol
– sa, nasa
– para sa
– ayon
– para kay
– tungkol sa
– na may
Ang kanyang talumpati ay para sa kalalakihan.
Marami siyang kinuwento tungkol sa napagdaanan niya.
Mga Gamit ng Pang-ukol
– Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Halimbawa: Ang bag ko ay nasa bahay.
– Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari
Halimbawa: Ang damit ay para kay Lola.
KAHULUGAN SA TAGALOG
pang-úkol: bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ugnayan ng pangngalan, panghalip, o pariralang pangngalan at iba pang elemento ng pangungusap
halimbawa: hinggil sa, ukol kay