PANDEMYA (Tula)

~ Trisha Pereyra

PANDEMYA

Ang mundo na dati’y ating malayang ginagalawan
ay tila naging isang bahaghari na walang kulay
Ang dating masaya at makulay na mundo
ay unti-unting nagbago dahil sa birus na ito

Sa bawat pagpatak ng pawis
dama mo ang bigat na pasanin
ang dating mga ngiting mababanaag sa mga mukha
nakatago na dahil sa mga maskarang suot mo

Sa bawat pagtakbo ng oras
dalangin ng lahat ay lunas
takot, pangamba, pag-aalala
iyan and dala-dala ng madla

Sa bawat paglabas ng tahanan
dala-dala ang pangamba
dahil baka pag-uwi mo ng tahanan
nahawaan ka na pala

Ang birus, na isang matinding kalaban
mabagsik, nakapangingilabot
hindi makita, hindi sigurado
ito ang kalabang maaari kang matalo

Bangon, inang bayan
bangon kababayan
mga katagang paulit-ulit nating sasambitin
nang walang pag-aalinlangan

4 thoughts on “PANDEMYA (Tula)”

  1. Maganda ang kanyang tula patungkol sa pangyayari sa mundo natin ngayon. Ngunit nakakalungkot din isipin na ito ang hinaharap ng ating bansa. Imbes sa ngayong taon tayo’y nag sasaya, sa samaang palad, tayo pa ay naghihirap. Dahil ang pinaka kinakalaban natin sa panahon ngayon, ay ang birus na kumakalat sa bansa natin ngayon.

  2. Napakaganda ng iyong nagawang tula at talagang mapapa-motivate ka na lumaban at huwag sumuko sa pagsubok na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *