panaganong paturol: indicative mood
Ang panaganong paturol ay nagaganap sa tatlong panahon: pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap, at ginagamit na pansaysay at pantanong.
Maligo
pangnagdaan: naligo
pangkasalukuyan: naliligo
panghinaharap: maliligo
Para mas madaling maintindihan kapag ipinapaliwanag sa mga banyaga, maaari ring sabihing ang katumbas ng mga ito sa Ingles ay past, present progressive, and future, bagaman mayroon talagang pagkakaiba ng konsepto sa wikang Tagalog at sa wikang Ingles.
