PAHILIS

root word: hilis

pa·hi·lís
diagonally

pa·hi·lís
slantingly

tuldik pahilís
accent mark (‘)

tuldik pahilís
stress mark (‘)


KAHULUGAN SA TAGALOG

pahilís: nása pagitan ng patindig at pahigâ o may anggulong kulang sa 90°, gaya ng ayos ng hagdan

pahilís: kung sa paghiwa o pagputol, nakahilig sa isang panig, gaya ng hiwà ng kalamay

pahilís: kung sa pagkilos pasulong, nakalihis o hindi tuwirang patúngo sa kasalubong o kaharap, gaya sa pahilis na tingin ng nahihiya


tuldík pahilís: tuldik (´) sa mga salitâng mabilis at matatagpuan sa hulíng patinig ng salita

halimbawa: gandá, tagál

tuldík pahilís: tuldik (´) sa mga salitâng may diing malumay at matatagpuan sa pangalawa sa hulíng patinig

halimbawa: gábe, bayábas

tuldík pahilís: tuldík sa mga salitáng may tatlo o mahigit na pantig at nangangailangan ng wastong diin sa unang pantig

halimbawa: para maibukod ang bigkas ng kátuwáan sa katuwaán at mánggugúlo sa mangguguló

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *