root word: táo
pagsasatao
personification
variation: pagsasakatao
Ano ang pagsasatao?
Ito ay isang tayutay na sa pamamagitan ng haraya ay nagkakapit ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga bagay na walang talino tulad ng hayop, ibon, mga bagay at mga katangian rin.
Tinatawag ding pagtatao, pagbibigay-katauhan, o personipikasyon.
Halimbawa ng Pagsasatao
Ang hangin ay humahalik sa mga ginintuang uhay ng palay.
Paliwanag: Hindi ba ang tao lang ang puwedeng humalik? Pero diyan sa pangungusap na iyan, ang hangin daw ay humahalik. Ginagawang parang tao ang hangin. Kaya iyang ganyang paggamit ng wika ay tinatawag na pagsasatao o personipikasyon.


possible typo: pasasatao