Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa?
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
Pagsasalin ang tawag sa paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa ng wikang isinasalin. May pagbabagong-anyong nagaganap sa isang salin tulad ng nobelang ginagawang komiks, kuwentong hinahalaw, kasaysayang ginagawang tula o talambuhay na ipinalalabas sa telebisyon sa anyo ng dula.
Ang pagsasalingwika ay paglalahad sa ibang wika ng katumbas na kahulugan sa isang wika. Ito’y isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihahayag sa isang wika ng katapat na diwa sa ibang wika.
Ang mga tao’y buhat sa iba’t ibang kultura. Ang mga tao sa iba’t ibang kultura ay hindi lamang nagsusuri sa iba’t ibang wika. Sila’y may sari-sariling paraan ng pagpapahalaga at pagdama sa mga bagay-bagay. Bagamat posibleng may pagkakatulad ang ilang mga wika sa isa’t isa, hindi kailanman magiging identikal ang mga ito.
Walang ganap o eksaktong pagsasalin. Maaari lamang makagawa ng aproksimasyon ang isang tagasalin.


