Ito ay isang uri ng tayutay.
pagpapalit-saklaw
synecdoche
A figure of speech in which a term for a part of something is used to refer to the whole (pars pro toto), or vice versa (totum pro parte).
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
Ang pagpapalit-saklaw ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay bilang katapat ng kabuuan. Maaari ring ang kabuuan ng isang bagay ang katapat ng isang bahagi.
Halimbawa: Libu-libong kaluluwa ang dumalo sa parada.
Dito ang katapat ng kaluluwa ay tao.
Halimbawa: Matatalas na tainga ang humagip ng balita.
Dito ang katapat ng tainga ay tao.
Halimbawa: Matitipunong bisig ang kumarga sa matanda.
Dito ang katapat ng bisig ay tao.
