PAGLALARAWAN

root word: larawan

paglalarawan
description

masining na paglalarawan

Ano ang Paglalarawan?

Ang paglalarawan ay isang pagpapahayag o pakikipagtalastasan na ang mga layunin ay ipamalas sa mambabasa ang isang larawan sa kabuuan nito.  

Sa paglalarawan, ang manunulat ay gumagamit ng mga salitang malinaw na makakapagpakita ng inilalarawang bagay, tao o pangyayari.

Ang paglalarawan ay malimit na ginagamitan ng mga pang-uri, mga pandiwa, at mga tayutay sapagkat ang mga ito ay nakatutulong sa pagbibigay ng malinaw na larawan ng anumang bagay, pook o tao na nais bigyang-larawan ng may-akda.

Ginagamit ng isang manunulat ng kuwento o nobela ang paglalarawan ngunit may akdang paglalarawan lamang at wala nang iba ang tanging layon.

Halimbawa ng Paglalarawan

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang giris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik.

— Rogelio R. Sikat. “Tata Selo.” Hiyas II, p. 147

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *