PAGBUNTUHAN

root word: buntó

pagbuntuhan
converge

pagbuntuhan
make the target

Ipinakilala niyang ang dula ay mangyayari ring pagbuntuhan ng tao maging ito man ay hubad sa masasarap na pangungusap ng mga taga Bulakan o ng malalalim na salita ng mga taga Tayabas o Laguna. Ang kanyang mga pananalita ay kilala na siyang katutubong bigkasing Tagalog. Ito pa rin ang nakapagpaparagdag ng katotohanan sa kanyang mga tanghaling pang-Maynila.


Ang kailangang matiyak ay kung alin sa tatlo ang dapat pagbuntuhan ng bigat ng bansang Pilipino, samantalang ang dalawa’y magiging tagabalalay lamang sa ikatatatag ng sariling kabansahan. Sa ganang amin nga, ang nasyonalismo ay siyang una at huling pag-asa sa tagumpay ng alin mang bayang nagsasarili. Hindi pinahalagahan ng bihasang sandaigdigan ang bansang di- marunong magpahalaga muna sa kanyang sarili, bago kumilala sa kahalagahan ng mga iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *