darág: stamping of the feet in anger
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
darag: tarang, tadyak, padyak, dabog
padarag: padabog
Padarag ang bagsak ng mga paa niyang kadenado.
Padarag na ikakasa ang baril.
Padarag na tumayo si tatay. Nasulyapan akong nakatunganga sa harap ng tv, nagtitiris ng butlig sa binti. Bigla sigurong umakyat sa ulo ang dugo ni tatay. Akala’y walang pumapansin sa kanya. Padarag na hinawi ang kalapit na silyang bakal…
Padarag daw na naitapon ni Angat ang hindi pa nangangalahating hinihitit na sigarilyong Marlboro. Si Libnaw naman daw ay waring naghahamong ma- yabang na nagsindi ng kanyang Philip Morris sa pamamagitan ng kanyang Zippo lighter…
daragan dumadarag dumarag nandadarag padarag

