Ito ay isang tula ni Pedro Suarez Ossorio.
O librong mabuti’t mahal
Na ang dilang iyong laman
Di sukat mahalagahan
Ng yaman sa sanlibutan.
O sulat na kalulugdan
Daong na lubhang matibay
Na sukat sakyang uuwian
Sa bayang kaginhawahan.
Ikaw paraluman namin
Ang sukat nga naming sundin
Hanggang di kami makarating
Sa lalawigang mahimbing.
Ikaw ang dulangang mahal
Na aming paghahanapan
Ng totoong kayamanan,
At búhay na walang hanggan.



