A romantic Tagalog song whose title can be translated into English as “This Christmas.”
Sung by: Marione and Toma Cayabyab
Composers: Marion Aunor/Marione
Arrangers: Elmer Blancaflor and Cool Cat Ash
LYRICS
Lumalamig
Ang simoy ng hangin
Nananabik sa yakap mo’t mga halik
Ngayong Pasko
Puwede ka bang mapasa-akin
Oohh…
Nagniningning
Ang buong paligid
Kung tatanungin
Isa lang naman aking hiling
Ngayong Pasko
Puwede ka bang mapasaakin
Oohh…
Madaliin ang pagdating
O ‘di ko na kaya pang hintayin
Ikaw lang naman
Ang nais makapiling ko
Dumito ka na sa ‘king tabi
Hindi ko na maikukubling
Surpresa ko pagsapit ng hatinggabi
Ohhh…
Kinikilig
Tuwing ‘ka’y naiisip
‘Di mapakali
Sabik sa bawat sandali
Ngayong Pasko
Puwede ka bang mapasaakin
Oohh…
Naririnig na ang mga awitin
At karoling
Pero ‘di ko ‘to napapansin
Basta ako, nais kitang mapasaakin
Oohh…
Mmm…
O huwag mo nang patagalin
Hiling ko sa langit at bituin
Ikaw lang naman
Ang nais makapiling ko
Dumito ka na sa ‘king tabi
(dumito ka na)
Hindi ko na maikukubling
(hindi ko na kaya)
Sorpresa ko pagsapit ng hatinggabi
Ohh…
Lumalamig (lumalamig)
Ang simoy ng hangin
Nananabik
Sa yakap mo’t mga halik
Ngayong Pasko
Pwede ka bang mapasa-akin
Sana ika’y mapasaakin
Sana ikaw ay maging akin


