root word: hulò
Napaghulo kong siya ay isang babaeng mabuti.
I perceived that she was a good woman.
Aking napaghulo na mahirap palang maging magulang.
I realized that it was difficult to be a parent after all.
Napaghulo ni Florante ang ibig sabihin ni Antenor.
Florante was able to deduce what Antenor meant.
Napaghulo ko kung ano ang nangyari nang nakita ko siya.
I comprehended what happened when I saw him/her.
… noon lamang nila napaghulo ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
… only then did they come to realize their love for each other.
Hindi napaghulo ni Mama ang pagkakasalang sumusurot sa aking budhi.
Mother wasn’t able to perceive the sin that was nibbling at my conscience.
Napaghulo ko na ang hangin mismo ang gumigising sa aking pagkatakot.
I perceived that it was the wind itself that was awakening my fear.
Lubhang maaga pa para mapaghulo kung ano ang nangyari.
It’s still too early to deduce what happened.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
hulò: pagkaunawa o palagay tungkol sa iniisip na pinag-aalinlanganan
* hulò: deduksiyon mula sa pagsusuri ng bagay-bagay
deduksiyón: proseso ng pangangatwiran na sumusunod ang kongklusyon sa mga batayan kayâ’t hindi maaaring mamali ang kongklusyon kung totoo ang mga batayan
Idyoma
luwasa’t hulò: pinagmulan o ang pagayon at paganito ng bagay-bagay
Luwása’t hulò lámang ang mga pangyayari sa mundo.


