root word: linang
nalilinang
is cultivated
Nalilinang ang wika sa paggamit nito.
Language is cultivated by using it.
Nalilinang, naitatangi at napapangangalagaan ang kanais-nais na pagpapahalaga at kaugaliang Pilipino (Defines, defends, and nurtures desired Filipino values and behavior)
Maaaring gamiting kasingkahulugang salita: napapayabong
Gaya ng nasasaad sa Saligang Batas, “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino;” samantalang nalilinang ito, ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Ayon sa Konstitusyon, Seksyon 6, Artikulo XIV, “[s]amantalang nalilinang, ito (ang wikang Filipino) ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral ng wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Kung ang lupa ay matagal nang hindi nalilinang, maaaring tamnan kaagad sa oras na malinis, nang hindi na kailangan pang linising mabuti sapagka’t sagana sa pataba ang lupa.
Mayroong mayamang bukal ng mga anyo at estilo ng awit na hindi pa gaanong nalilinang ni nabigyang sapat na pagpapahalaga ng mga tagalikha ng awit pamprotesta. Ito’y ang mga katutubong awiting pambayan.
Sa alin mang laro, nagsisikap ang mga manlalaro na magtamo ng papuri ng mga nanonood sa pamamagitan ng malinis na paglalaro. Ang isa pang kabutihang- asal na nalilinang ay ang pagkakaroon ng lakas ng loob.
Sa dulaang pambata, ang mga batang manonood ay inaasahang maniwala sa ilusyong nalilikha ng drama at ang kanilang panlasa sa larangan ng sining ay nalilinang bunga ng sining na isinasabuhay sa entablado.
Sa takbo ng mga pangyayari, ang sining ng maikling kuwento ay buhay lamang kung maypatimpalak at baka mapatulad sa sanaysay na hindi rin nalilinang sa kasalukuyan kahit kasama sa kategorya ng mga timpalak-panitik.
Nalilinang niya ang kanyang buhay sa paraang naaayon sa kanyang niloloob. Nililikha niya ang kanyang kasaysayan.
Habang nalilinang ang mga kasanayang pang-edukasyon na hinahangad ng mga aklat na ito, ang ating bansa sa pangkalahatan ay magtatamo ng kasaganaan.



Actually po hindi ko talaga gets pero yung sene search ko to…………ay………………..akuang………..dili……………maintindihan…….patin
Gusto ko ng maayos na example