root word: lunoy
KAHULUGAN SA TAGALOG
naglulunoy: nagtatamasa, nagpapakasasa, nalulunod
Sinikap kong unawain kung bakit naglulunoy sa damdamin ang mga tauhan ng nobelang tagalog, kung bakit napakadaling tumulo ang luha o mag-apoy sa galit ang mga tauhan, kung bakit walang gaanong kompleksidad ang mga tauhan.
Ba’t may naglulunoy sa kasaganaan, ang iba’y hikahos sa lakdaw ng buhay? Buong akala ko, tao’y pantay-pantay; biyaya’y laganap pagsikat ng araw.
Marami sa manonood na mga ginang ng tahanan ay naglulunoy sa lusak ng sariling luha. Kung luha nga lamang ang magiging batayan sa paghusga sa pelikula, siguradong mananalo ang pelikulang ito ng best picture.
Nakabaling sa kanya si Ligaya at naglulunoy siya sa mga matang iyon at dagli, nagnasa siyang halikan iyon at simsimin ang tubig na nagpapakislap sa kaitimang naroroon.
Ang maligayang tagpo sa pangpang ng Batis Salomin, ang mahiwagang paanan ng bundok na naglulunoy sa kristal na tubig ng maalamat na dagatang may mga naglutang na dahong halamang tabas pusong kasing laki ng katingan, na sa…
