root word: gámas
naggamas
cut grass
naggamas
pulled out grass
naggamas
weeded
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
gámas: pagpútol o pagbúnot ng damo sa paligid ng tanim
naggamas: naglinis, nag-alis ng mga damo, nagbunot ng damo
Muli siyang naggamas-gamas, naggambol sa paligid-ligid ng gulayan, naglinis at nagsiga ng kapaligiran pagkaraan. Muling tumagaktak ang pawis niya, muling nasayaran ng lupa ang mga kamay niya. (Ginto Ang Kayumangging Lupa)
Kumuha siya ng walis at nilinis ang kanyang pinagsibakan. Pagkaraang itago ang walis, nakita ko siyang may dalang isang pangal na gulok at naggamas ng damo sa tabing bakod. Ang mga damo’y kanyang itinutumpok.

